Mga Luha ni Mama

03/24/2009 12:12 pm




Mga patak ng luha
Mula sa mga sugat ng puso mo
Noo'y di ko nakayanang pahiran
Sa kadalasa'y di ko na tinangkang maunawaan

Ngunit ngayon,
ipinagkakaloob isang duguang hiyas
Sagisag ng iyong matagumpay na pag-ahon sa mga kasawian!
Isang pagpupugay sa iyong pagkalinga at walang sawang pagbibigay.

Sayang! Tila huli na itong munting pag-aalay
Hindi na maiabot sa iyong naglalahong pag-iisip at lakas.
Sana, sa likod ng iyong mukha ng kawalan, nandiyan pa rin ang pusong alam
Aming walang patid na paghanga at pagmamahal.

Comments

Popular posts from this blog

Like butter, slowly melting

The Fear of Excess

Falling out of Love?