Dahilan

Wednesday, October 08, 2008 10:56 pm


Madalas kong tanungin ito sa 'king sarili kapag ang dami ng gawain ng guro ay tila dumadagan na sa aking dibdib hanggang sa tunay na hindi na ako makahinga. May pagkakataon din na iniisip ko kung ang kakarimpot na suweldong tinatanggap ko ay sulit sa lahat ng oras at na inilalaan ko upang magampanan ang aking trabaho. Pinagmumuni-munihan ko rin kung minsan kung dapat ba akong manatiling titser samantalang di nakakarating sa aking kamalayan kung may saysay nga ba ang aking mga binabahagi sa mga estudyanteng labas-pumasok sa aking buhay?

Kapag nababasa ko ang SET results, hindi ako nabubuhayan ng loob dahil sa mga nakukuha kong rating. Hindi naman mababa ngunit hindi rin naman kataasan. Para sa akin kasi, ang katamtaman lamang ay di tanda ng magaling na guro! Pagkatapos kong basahin ang mga nakasulat sa peyups.com at wala man lamang nagbabanggit sa akin bilang "most inspiring" o kahit na "most hated", naiisip ko tuloy na kung iwan ko ang pagtuturo, walang mababago sa ikot ng mundo ng aming mga estudyante. Walang manghihinyanag sa aking paglisan, ni isa ay hindi makapapansin na wala na ang aking pangalan sa listahan ng mga klase sa panahon ng pagpapatala.

Ngunit ngayong hapon, lumukso muli ang aking dugo. May isang akong dating estudyante na nagsabi na naging inspirasyon para sa kanya ang aking pag-aaral upang kanyang ipagpapatuloy ang pagsasagawa ng sarili niyang pag-aaral. Lubos ang kanyang pasasalamat na walang pag-aatubili ang aking pagbigay ng payo at tulong upang ituloy nya ang kanyang pananaliksik. Dahil sa kanyang sinabi at sa aking pagkaalala na hindi ito unang pagkakataon na narinig ko mula sa estudyante ang ganitong mga kataga, nagkaroon ako ng puwang para sa ibang pananaw. Marahil ang saysay ko sa pagiging titser ay hindi masusukat sa paghanga ng maraming estudyante sa aking kakayahang magturo. Marahil ang tagumpay ko ay magmumula sa kahit na mangilan-ngilan na estudyante na bubuti ang puso, mabubuksan ang isipan, at magkakaroon ng lakas ng loob na abutin ang kanilang mga pangarap. Lahat ito, dahil nagdaan ako sa kanilang buhay.

Comments

  1. Hi, Ma'am! I came across your blog today because I remembered a blog entry you shared in 180 class (back in 2006). I googled it, "good girls finish first" and turns out, it was you who wrote it (during our class, you said it was written by another professor you wouldn't name!). Anyway, I'm so happy to have found your blog, and I'll have you know that you're one of those teachers who have permanently left a mark on me. If you have time, you can view my proof to this claim:
    http://maiwalker.livejournal.com/24095.html

    :)
    Hope to see you one of these days in UP, Ma'am!
    -Aileen, UP Psych '06

    ReplyDelete
  2. Hello, Mai! Would you believe that even if I wrote that post around the time you were my student, I only posted that in this blog a day or two before you searched for it! Talk about synchronicity!

    Thanks so much for what you wrote in your blog entry! Nakakataba naman talaga ng puso! That will help extend my stay in UP for maybe...another 5 years? Hehehe!

    ReplyDelete
  3. Wow, that's why I was wondering about the date, Ma'am. I thought it was some glitch in blogspot that the date of posting was so recent. Synchronicity, and serendipity, right there!

    Oh, I was hoping for about 10 years? Haha! Kidding, Ma'am! Thank you, too, and you're welcome po. :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Like butter, slowly melting

The Fear of Excess

Falling out of Love?