SA LIKOD NG BINTANA



Eto na naman ako 

Unti-unting gumigising ang ulirat

Bago pa man imulat ang mga mata

Nag-uunahang mga tanong ang bumabangon na


Anong aking haharapin ngayon? 

Paggunita ng mga planong nakabilanggo?

Pagluluksa sa mga pangarap na sa bawat sandali ay naglalaho?

O pag-alala sa mga minamahal na napakalayo?


Mula sa aking munting piitan

Nadampian ako ng hangin at nasilaw sa liwanag

Natanaw ko ang mga kulay ng buhay

Narinig ko ang hiyawan at tawanan ng mga nagdaraan 

Naamoy ko ang kape mula sa kusina

At halimuyak ng bulaklak sa may bintana! 


Sisilip muli ang nahimlay na araw

Pagkaraan ng mapang-aping dilim

Buhay pa rin ako 

Lumuluha, nagdurugo, nagdadalamhati!

Humahalakhak, umiibig, umaawit!

Ngunit higit sa lahat, nagtatanong, kumikilos, 

at lumalaban! 

Lahat ito, dala ng pag-asang dulot ng Poong Maykapal! 


18 Agosto 2021

Comments

Popular posts from this blog

Like butter, slowly melting

The Fear of Excess

Falling out of Love?