Posts

Showing posts with the label jewelry

"Kamuning"

Image
 I participated in a group show organized by the MAP or the Martinez Art Projects where I showed my wire jewelry and poetry. It opened in March 7, 2009 at the Lundayan Gallery on Kamuning Road.  Check out the pictures taken by our cousin, Eddie Boy Escudero, during the show's opening. http://ebeseyes.multiply.com/photos/album/145/Kamuning#

Creations

Image
I like creating stuff. Latest in my attempts to produce crafty things is making unusual jewelry. Did some sketches on a notebook first then executed the designs using some wire that Ling gave me.   Here's a choker with multi-colored glass beads.   On the left is a pendant with synthetic black pearls which I named "MORTAL SINS" while on the right is a brooch with genuine black seed pearls. I still have to find a name for it.

Reluctant Laughter

Image
Friday, March 13, 2009 Hayaan mo nang takpan ng mga ulap ang ngiti ko Bayaan na ang gabing madilim, maging kakampi ko Sa pagpigil ng pagsambit ng niloloob ng puso ko. Tunay na dahilan, aking kailangang ikubli Hindi pa ako handa na ipagtapat ... na ako'y bungi!

Tutubi

Image
03/26/2009 10:55 am Ihabi sa iyong mga pakpak Awiting likha sa pangungulila At ihatid nang buong ingat Sa kanya na di maibig nang malaya

Mortal Sins

Image
 03/24/2009 12:56 pm Kung ibilad mo sa araw Ang mga kasalanan mo, mahuhugasan ba ito? Puputla? Susutla? Upang di na muling manahan sa kamalayan ko? At maibigay ko na kaya sa iyo, Lubos na kapatawaran ko?

Mga Luha ni Mama

Image
03/24/2009 12:12 pm Mga patak ng luha Mula sa mga sugat ng puso mo Noo'y di ko nakayanang pahiran Sa kadalasa'y di ko na tinangkang maunawaan Ngunit ngayon, ipinagkakaloob isang duguang hiyas Sagisag ng iyong matagumpay na pag-ahon sa mga kasawian! Isang pagpupugay sa iyong pagkalinga at walang sawang pagbibigay. Sayang! Tila huli na itong munting pag-aalay Hindi na maiabot sa iyong naglalahong pag-iisip at lakas. Sana, sa likod ng iyong mukha ng kawalan, nandiyan pa rin ang pusong alam Aming walang patid na paghanga at pagmamahal.