NANG UMIBIG si DARNA





Noon, nang si Narda pa lang ako, 

Simple lang ang  buhay. 

Walang malubhang pinagkakaabalahan

At nagpapabalisa ng isipan. 

Kay daling hanapan ng lunas, 

Kung may suliranin man. 


Ngunit nang natuklasan ko at 

Nilunok ang mahiwagang bato

Nagbukas ito sa akin sa bagong mundo

Masalimuot, magulo


Darna!!!


Si Darna ay puno ng lakas sa pagharap sa anumang kalamidad. 

Winawaksi, mga masasamang-loob

Ipinagtatanggol,  mga naaapi at naaapakan. 

Laging wagi sa anumang digmaan!


Ngunit bakit hirap niyang labanan

Pagsugat sa kanyang puso at damdamin

Pagsangga sa mga dagok

Dala ng nakakubling pag-irog. 


Sa harap ng pagsusumamo ng tinatangi, 

Hindi siya makapag-isip nang husto 

Sa likod ng kilig at saya, 

May nagtatagong mga luha pala.


Ayoko na yatang maging Darna. 

Ayoko na ng mga pangamba! 

Ayoko na ng kaba na bumabalot sa aking dibdib 

Dahil sa paglimot sa mga pagkilos na matuwid.




Ayoko nang manghula sa tunay na nararamdaman 

Ng inaakalang kasama sa paglalayag na ito.

Ayoko nang magduda kung ang pag-ibig n’ya sa akin

Ay walang bahid at lubos na totoo.



Ding, iluluwa ko na ba ang bato? 


Comments

Popular posts from this blog

Like butter, slowly melting

The Fear of Excess

Falling out of Love?