Sagot sa "Sleeping in Class is Heckling" ni Ton
From http://postsecret.blogspot.com |
May sinulat ang aking kapwa-guro tungkol sa kanyang nararamdaman kapag may natutulog sa klase nya. Hindi raw sya natutuwa at hindi nya raw alam kung anong gagawin kapag may ganun na. Naku, ako rin! Tinatanong ko na lang sa sarili ko kung gigisingin ko ba ito o hahayaan na lang? Kadalasan, hindi ko na lang pinapansin at iniisip ko na malamang hindi naman sya nananadya. Meron sigurong sapat na dahilan kung bakit pipiliin nyang hindi mapakinggan ang talakayan sa klase o kaya nama'y mapagalitan ng guro o mas kahiya-hiya, mapagtawanan ng buong klase.
Eto ang Top 10 possible reasons:
1) Working student sya at katatapos lang ng shift nya
2) Pinagbantay sya sa ospital ng magulang na maysakit sa buong magdamag
3) Namatayan sila kaya naglamay siya
4) Varsity player sya at simula ng madaling araw ang practice nila araw-araw
5) May undiagnosed Narcolepsy sya since high school pa
6) Humahagok ang roommates nya kaya't palagi syang nagigising tuwing REM stage sleep na sya
7) Kailangang bumangon palagi nang napakaaga upang mauna sa pila sa banyo sa dorm/boarding house para hindi mahuli sa 7 AM class
8) Umiinom sya ng antihistamine dahil sa kanyang allergy (sa klase ko)
9) Magdamag syang nag-aral para sa klase ko para makaparticipate sya actively sa discussion (Fail!)
10) Being in my class makes them feel so safe from the dangers of the world that it reminds them of the time they were in their mothers' womb and so... alam nyo na!
Kaya sa susunod na may matulog sa klase ko, pag nagising, ipapakuwento ko sa harap kung bakit siya nakatulog. Baka sakaling may maidagdag pa ako sa listahang ito!
Note: Kung may FB account ka, basahin ang isinulat ni Tonton Clemente sa https://www.facebook.com/notes/ton-clemente/sleeping-during-class-is-heckling-/171984092851261?ref=notif¬if_t=like

Comments
Post a Comment