Isang tanong na marahil ay hindi magkakaroon ng kasagutan kailan man... Mula sa dalampasigang Binabagabag ng mga alon Tinalikuran kita Hindi tinangkang tanawin ni minsan Ang bulubunduking Na sa iyo’y kumubli. Pinili nating paghiwalayin tayo Ng malawak na karagatan, Ng makapal na ulap Ng mga matatalas na tunog ng kalikasan At nagtagumpay ang katanimikan Sa di masukat na panahon. Ngunit sa hindi inaasahang araw Napawi ang makapal na ulap Dumungaw ang araw sa aking ulirat At narinig ko ang pagbulong mo Ng aking pangalan. Sana’y di ko hinayaang tumungo Ang pang-uusisa sa pagkabalisa Hindi ko sana tinugunan Ang mga pakiusap mong alalahanin ang kahapon Hindi ko sana tinangkang angkinin Mga kasagutang matagal mong ipinagkait. Dahil di nagtagal, ika’y naglaho Nang walang paliwanag at Lumayo nang walang paalam Muli, tumungo ka nanaman sa di matanaw Sa dahilang di ko maunaw...