Mula sa aking bintana
Agaw-dilim, Agaw-dilim Bakit pangamba ang dulot mo, agaw-dilim? Katahimikang bumabalot sa naghihingalong araw Bumubuhay sa mga alaalang nahihimlay. Agaw-dilim, malupit na agaw-dilim Sa iyong pagyapos, tila lakas ko’y nauupos Ulirat ko’y pilit ibinibigkis Sa mga pinipilit limuting hapis. Agaw-dilim, agaw-dilim Pakiusap ko sa iyo, agaw-dilim Aking tanong, ihatid sa puso ng tinatanaw ko Paminsan-minsan ba’y naaalala mo rin ako? “