Mula sa aking bintana


Agaw-dilim, Agaw-dilim
Bakit pangamba ang dulot mo, agaw-dilim?
Katahimikang bumabalot sa naghihingalong araw
Bumubuhay sa mga alaalang nahihimlay.

Agaw-dilim, malupit na agaw-dilim
Sa iyong pagyapos, tila lakas ko’y nauupos
Ulirat ko’y pilit ibinibigkis
Sa mga pinipilit limuting hapis.

Agaw-dilim, agaw-dilim
Pakiusap ko sa iyo, agaw-dilim
Aking tanong, ihatid sa puso ng tinatanaw ko
Paminsan-minsan ba’y naaalala mo rin ako?

                                                       

  “

Comments

Popular posts from this blog

Like butter, slowly melting

The Fear of Excess

Falling out of Love?